Sundalong gunrunner, timbog sa Cagayan de Oro City
Sundalong gunrunner, timbog sa Cagayan de Oro City
Huli ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cagayan de Oro Field Unit katuwang ang Cagayan de Oro police ang isang miyembro ng Philippine Army na nagbebenta ng baril at pampasabog.

Kinilala ng Director ng CIDG Police Brigadier General Ronald Lee ang suspek na si Corporal Gilbert Apostol Roja,  33, na nahuli sa entrapment operation nitong Sabado sa Masterson Avenue, Upper Carmen, Cagayan de Oro City. 

Kabilang sa mga armas na nakumpiska kay Roja ang isang Troy Carbine M4 rifle,  isang rock island calibre 45 pistol,  3 caliber. 45 magazine, dalawang fragmentation grenades, 411 rounds ng  assorted ammunition, at mga personal na gamit. 

Ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.

Ayon kay  Lee hindi kukunsintihin ng PNP ang ganitong gawain ng mga nasa serbisyo.

Larawan mula sa CIDG

What's your reaction?

Facebook Conversations