views
Sa panayam ng Davao City Disaster Radio kay City Tourism Officer Generose Tecson, pinaliwanag nito na ito na ang nakahanda para sa selebrasyon ngayong taon at ipinapagpatuloy na lang nila dahil sa dami ng proseso na dadaanan kung babaguhin pa nila ito.
Ayon kay Tecson na kahit na bumaba na ang mga restrictions ay kailangan pa rin umano ang ibayong pag-iingat dahil hindi pa nawawala ang COVID-19.
Dagdag ng opisyal na gusto lang din ng lokal na pamahalaan na hindi muna magpakampante dahil maaring sumipa ulit ang kaso ng COVID-19 kung magkakaroon ng pagkukumpulan ng mga tao kung mayroong mga physical activities gaya ng Parada Dabawenyo at iba pa.
Ito na ang ikatlong taon na nasa virtual celebration ang Araw ng Davao mula ng tumama ang COVID-19 pandemic sa buong mundo noong 2020.
Facebook Conversations