1.4 million doses ng Moderna vaccine na binili ng gobyerno, dumating sa bansa
1.4 million doses ng Moderna vaccine na binili ng gobyerno, dumating sa bansa
Dumating ngayong araw (Disyembre 6) ang karagdagang 1,497,200 doses ng COVID-19 vaccine na Moderna na binili ng pamahalaang nasyunal.

Dahil sa karagdagang supply ng bakuna, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Strategic Communications on Current Operations Head Assistant Secretary Wilben Mayor, mayroon nang "steady supply" ng bakuna ang  bansa  lalo na’t umabot na sa 147 million doses ng iba't ibang brand ng anti-COVID-19 vaccines ang kabuuang nai-deliver sa Pilipinas.

Anya, halos 60 milyong doses pa ang inaasahang maihahatid  sa bansa bago matapos ang taong kasalukuyan.

Dahil dito ay hinikayat ni Mayor ang hindi pa bakunadong indibidwal na makiisa sa ikakasang tatlong araw na National Immunization Days mula December 15 hanggang 17.

Liban  sa pagbibigay ng primary doses ay tuluy-tuloy din ang pagtuturok ng booster shots sa gitna ng banta ng bagong Omicron variant.

Target ng pamahalaan na maabot ang 90 percent ng target population na mabakunahan pagsapit ng unang kwarter ng 2022.

Contributed Photo

What's your reaction?

Facebook Conversations