Mga senior citizens, muling hinimok na magpabakuna kontra COVID sa gitna ng pagtaas ng kaso at bantang Omicron variant
Mga senior citizens, muling hinimok na magpabakuna kontra COVID sa gitna ng pagtaas  ng kaso at bantang Omicron variant
Patuloy na nananawagan ang palasyo sa Malacanang partikular sa mga senior citizens na hindi pa rin nagpaturok ng bakuna kontra COVID-19 na magpabakuna na matapos muling tumaas ang kaso at ang banta ng Omicron variant.

Ayon kay Acting Presidential spokesperson Karlo Alexei Nograles, nasa 1.5 million seniors pa ang hindi bakunado hanggang sa Disyembre  28, 2021.

"Mayroon tayong estimated 1.5-M seniors na hindi pa nababakunahan. It bears stressing that our senior citizens are the most vulnerable to the risks posed by severe and critical COVID-19,” ayon sa tagapagsalita  ng Pangulo.

Sinabi ni Nograles na kayang  punuin  ng nasabing bilang ng mga elderlies ang mga pagamutan sa sandaling tamaan ang mga ito ng COVID p-19  na ayon ayon sa kanya, ang mga matatanda ang pinakadelikadong dapuan ng nakakahawang sakit na mas mabilis pang makapanghawa dahil sa Omicron variant.

Anya para  maiwasan ang pagkaka-ospital pakiusap ng Palasyo, magpaturok na ng COVID-19 vaccine nang sa gayon ay magkaruon ng proteksiyon.

For perspective po, itong 1.5-M na bilang na ito, kaya na nitong punuin ang ating mga ospital, kung tamaan sila ng COVID-19.  Kaya nakikiusap kami na agad na magpabakuna ang ating mga lolo at mga lola.  Get your vaccine po para iwas ospital sa 2022,” dagdag ni Nograles.

Larawan: Armando Fenequito Jr.

What's your reaction?

Facebook Conversations