Mga corrections ng bagong P1,000 banknote, naitama na ng BSP
Mga corrections ng bagong P1,000 banknote, naitama na ng BSP
Inilahad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na naisaayos na nito ang spelling at formatting ng scientific name ng Philippine eagle sa bagong P1,000 banknote.

Ito ang naging tugon ng BSP matapos punahin ng ilang social media users, kabilang si Bayan Muna Representative Carlos Zarate ang mga pagkakamali sa disenyo ng P1,000 banknote.

Nilinaw ng BSP, ang naunang kumalat na 1000 peso banknote na may larawan ng isang philippine eagle ay sampol lamang na ipinadala sa BSP para marebisa.

Tampok sa bagong disenyo ng pera ang Philippine eagle sa harap, kapalit ng World War 2 heroes na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda. Nakatakda itong ilabas sa Abril 2022.

Sinabi ng BSP, ang bagong disenyo ng 100 bank note na Philippine eagle ay sumisimbulo sa clear vision, freedom, at strength.

Ito umano ang unang banknote sa bagong Philippine currency series na nakasentro sa mga halaman at hayop ng bansa.

What's your reaction?

Facebook Conversations