views
Nagbabala rin ang ahensya na aabot sa hanggang signal no.3 ang tropical cyclone wind signal nito.
Kaagad namang nag-abiso ang Philippine Coast Guard (PCG) na naka-base sa Surigao del Norte at Dinagat Islands na sinuspinde nito ang pagbyahe ng mga sasakyang pangdagat na may bigat na 250 gross tons pababa.
Kasalukuyang nararanasan sa Butuan City at maging sa iba pang panig ng rehiyon ang makulimlim at mahinang pag-ulan. Partikular na naaapektohan ang karagatan sa Dinagat Islands, silangang bahagi ng Surigao del Norte pati na ang Siargao-Bucas Grande Islands.
Nagpaalaala na rin ng Office of Civil Defense (OCD) Caraga sa bawat Disaster Risk Reduction and Management Office ng probinsya na paghandaan ang magiging epekto ng bagyong Odette gaya ng flashflood at pagguho ng lupa.
Batay sa ulat ng PAG-ASA, inaasahang magla-landfall ang bagyo sa rehiyon ng Caraga sa araw ng Huwebes kaya't pusposan ang isinasagawang information dissemination ng PAG-ASA - Butuan.
Pinag-iingat na rin ang mga residente lalo na ang mga nakatira malapit sa coastal area ng nabanggit na mga lugar sa posibleng storm surge.
Facebook Conversations