‘Bayanihan Bakunahan’ suspendido sa Visayas at Mindanao dahil kay Odette; bakunahan sa NCR at iba pang rehiyon, tuloy simula bukas Disyembre 15
‘Bayanihan Bakunahan’ suspendido sa Visayas at Mindanao dahil kay Odette; bakunahan sa NCR at iba pang rehiyon, tuloy simula bukas Disyembre 15
Inilipat sa Disyembre 20 hanggang 22 ang Bayanihan Bakunahan sa buong Mindanao at Visayas gayundin sa iba pang lugar ng bansa dahil sa paparating na bagyo.

Ito’y matapos inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng National Task Force (NTF) against COVID-19 na ipagpaliban muna ang nakatakdang second round ng Bayanihan Bakunahan simula bukas, Disyembre 15 hanggang 17.

Sa Laging Handa Public briefing, inanunsiyo ni Presidential Adviser against COVID-19 Vince Dizon na suspendido rin muna ang 2nd round ng maramihang bakunahan sa region 4-B at region 5.

Ang hakbang ay ginawa ng pamahalaan , itoy upang matutukan ng mga lokal na pamahalaan ang kanilang mga paghahanda kaugnay ng paparating na bagyo.

Ganunpaman tuloy-tuloy ang bakunahan sa National Capital Region (NCR), regions 1, 2, 3, at 4-a gayundin  sa Cordillera Administrative Region (CAR) bukas, Disyembre 15.

File Photo by Armando Fenequito Jr.

What's your reaction?

Facebook Conversations