Walang “cover up” sa drug raid sa Davao de Oro: PDEA
Walang “cover up” sa drug raid sa Davao de Oro: PDEA
Nanindigan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 11 na walang cover up sa nangyaring drug raid sa isang resort sa bayan ng Mabini, Davao de Oro nitong weekend kung saan nasangkot umano ang Information Officer ng Davao City Hall na si Jefry Tupas.

Nanindugan ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 11 na walang cover up sa nangyaring drug raid sa isang resort sa bayan ng Mabini, Davao de Oro nitong weekend kung saan nasangkot umano ang Information Officer ng Davao City Hall na si Jefry Tupas.


Sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Briefing Miyerkoles (November 10), sinabi ni PDEA 11 regional director Aileen Lovitos na walang nangyaring pagtatago ng pangalan sa nangyaring joint operation nito kasama ang National Bureau of Investigation at Mabini Municipal Police Station.


Ayon kay Lovitos na mayroon silang target na tao kung saan matagumpay nila itong nahuli kasama ang mga bisita nito na aktohan na gumagamit ng droga.


Itinanggi din na may arboran na naganap kung saan kinuha umano si Tupas at ang kasintahan nito sa crime scene at hindi ito kasama sa 17 na nahuli ng awtoridad, dahil hindi naman talaga ito nangyari. 


Pero, nangako naman ito na imbestigahan ang nasabing bagay alinsunod na rin sa direktiba ni 

PDEA Director General Wilkins Villanueva. (By Armando Fenequito)

What's your reaction?

Facebook Conversations