views
Sinabi ng hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Concurrent Commander ng Philippine Army, Lieutenant General Andres Centino, ito ay para mapanatili ang pagiging “non-partisan” ng militar sa darating na halalan.
Nauna nang nagbitiw sa kanyang posisyon bilang hepe ng communications panel ng Philippine Army Multi-Sectoral Advisory Board (MSAB) ang aktor na si reservist Captain Robin Padilla, na tumatakbo sa pagka-Senador.
Maliban kay Ungab at Uy, kasama din sa mga na-relieve sina Senatorial aspirant Brigadier General Herbert Bautista (Res); Congresional candidate Lt. Col. Eugene Balitang;; at gubernatorial re-electionist Lt. Col. Rhodora Cadiao.
Mahigpit na bilin ni Centino sa lahat ng tauhan ng AFP na iwasan ang pakikilahok sa partisan politics, panatilihin ang propesyonalismo sa pagganap ng kanilang tungkulin at iwasan ang pag-post sa social media ng mga larawan o symbolo na may kulay politika.
Tiniyak ng opisyal sa publiko na matapat na gagampanan ng AFP ang kanilang mandato para masiguro ang malinis at maayos na halalan sa susunod na taon.
Facebook Conversations