Mall sa Davao City, sinalubong ang pagbabalik ng mga bata matapos isinailalim ang lungsod sa Alert Level 3
Mall sa Davao City, sinalubong ang pagbabalik ng mga bata matapos isinailalim ang lungsod sa Alert Level 3
DAVAO CITY- Sinalubong ng regalo ng isang mall sa Quimpo Boulevard ang pagpasok ng mga bata matapos na itong payagan ng pamahalaang lokal na makapasok na ito sa nasabing establisyemento kasunod ng pagsasailalim ng lungsod sa Alert Level 2.

Sa pagpasok ng ilang mga bata ngayong araw ng Martes, Nobyembre 16, binigyan ito ng tsokalate, lobo, donuts at facemask bilang pagbati sa kanilang muling pagpasok mall. 

Sa panayam kay SM City Davao Manager Lester Tantoco, sinabi nito na ito ang kanilang paraan ng pagsalubong sa mga bata matapos ang sobra isang taon n na hindi nakapasok dahil sa mga restrictions dala ng pandemya.

Ayon kay Tantoco na napapanahon rin ang pasailalim ng lungsod sa Alert Level 2 kung saan papalapit na ang pasko at dumarami na rin ang bilang ng nabakunahan dito.

Pero paalala pa rin nito sa mga magulang na dapat sumunod pa rin sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask sa kanilang mga anak at pagsunod sa physical distancing dahil pinapapatupad pa rin nito ang 50 porsyento ng capacity sa loob ng mall. (Armando Fenequito)

Larawan kuha ni Armando Fenequito

What's your reaction?

Facebook Conversations