AYUDA program ng DPWH, bukas sa lahat ng nasa hustong gulang
AYUDA program ng DPWH, bukas sa lahat ng nasa hustong gulang
Ipinaliwanag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Na bukas para sa nasa tamang edad ang kanilang Assistance to Youth and Unemployed for Development and Advancement (AYUDA) program.

Sinabi ni DPWH Acting Secretary Roger Mercado maaaring mag-apply ang kahit sino man basta nasa wastong gulang o kahit senior citizen at kaya pang mag trabaho ay tutulungan aniya nila.

Layunin ng proyekto na tulungan ang 10,000 manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang magiging trabaho aniya ng mga ito ay street sweepers, street signs cleaners, garbage collectors o basurero; o nagpipintura ng concrete barriers, kung saan ang ang magiging sahod ay ₱550 kada araw.

Ang mga benepisaryo ay ikukunsiderang Job Order workers o iyong mayroong “intermittent or emergency jobs.”

Ang AYUDA program ay ipatutupad ng 16 regional offices at 189 district engineering offices ng DPWH sa buong bansa.

Wala namang isusumiteng kahit na anumang requirements ang mga benepisaryo maliban lamang sa kanilang residence certificate o valid ID.

Binigyang diin ni Mercado na ayaw nila ng anumang ‘inconvenience’ mula sa mga taong nangangailangan ng kanilang tulong.

“The goal is to at least hire one (1) member per household to guarantee food on the table of Filipino households that are struggling to make ends meet,” ayon kay Mercado.

Ang mga aplikante ay maaaring magtungo sa kahit na anumang regional o district engineering offices ng DPWH. 

Photo: DPWH FB PAGE

What's your reaction?

Facebook Conversations