Paggamit ng F sa Filipinas at Filipino, bawal ng gamitin

Ipinahinto na ng Komisyon ng Wikang Filipino at Department of Education (DepEd) na gamitin ang letrang F sa salitang Filipinas na tumutukoy sa ating bansa.

Ito ang pahayag ng Komisyon at DepEd  matapos ang marami at mahabang talakayan sa mga manunulat, historyador, guro, at publiko. 

Ayon sa Komisyon at DepEd, imbes  na Filipinas ay gagamitin ng opisyal na salita ang Pilipinas bilang pagtukoy sa ating bansa. 

Kahit na ang  letrang F sa salitang Filipino ay hindi na rin pwedeng gamitin bilang pagtukoy sa mamamayan kundi ito ay Pilipino. 

Ginawang batayan ng Komisyon sa kanilang desisyong ito ay ang nakasulat sa 1987 Constitution na kung saan Pilipinas ang orihinal na tawag sa ating bansa at Pilipino naman ang opisyal na tawag sa mga mamamayan. 

Bunsod ng kautusang ito, nagpalabas na  ng direktiba ang Komisyon at DepEd sa lahat ng mga tanggapan na nasa ilalim nito na kagyat ituro ang paggamit ng letrang P bilang pagtukoy sa Pilipinas at Pilipino.

Larawan mula sa Komisyon sa Wikang Pilipino