Sa kanyang indorsement letter sa Sangguniang Bayan, inilahad ni Evangelista na mahalagang magkaroon ng isang batas na mabibigay ng proteksyon at matulungan ang mga lehitimong negosyante sa Santo Tomas para ito’y makabangon dulot na rin ng negatibong epekto sa ekonomiya dahil sa pandemya.
Sa ngayon, walang batas o ordinansa ang naipasa ng Sangguniang Bayan para magbibigay ng nasabing tax relief sa mga Tomasinong negosyante.
Sa sandaling maging ordinansa ang panukala, babawasan ng limang porsyento ang babayarang business tax (gross income or receipt for year 2021).
Pero, nilinaw nito na hindi saklaw ng tax relief ang mga delinquent tax payer.
Magkakaroon rin ng pagbawas sa monthly rentals na 20 percent porsyento sa lahat ng stalls sa Santo Tomas Public Market mula Enero hanggang Hunyo 2022.
Inaasahan naman ni Evangelista na maipasa ang tax relief ordinance kabilang rin dito ang ordinansa sa mag-regulate ng operasyon ng Banana Growers, batas na magbibigay ng proteksyon sa mga banana plantation workers, at batas na ma-regulate ang pagbebenta ng raw lots sa bayan.
Inaasahang tatalakayin ang mga nasabing panukalang batas sa Komitiba nina Councilors Dr. Eduardo Llorente, Cromwell Cocamas at Richard Laguido bilang mga Chairpersons ng Committee on Agriculture and Food and Committee on Housing and Land Utilization, Rural and Urban Development, Committee on Trade, Commerce and Industry , and Committee on Economic Enterprises. (Armando Fenequito)
Larawan mula sa Santo Tomas MIO