Sa isang pahayag, sinabi ni EastMinCom Commander Lt. Gen. Greg Almerol na isa ang BDP sa mga dahilan kung bakit humina na ang hawak ng mga armadong New People’s Army (NPA).
Ayon kay Almerol na nadama ng nga tao sa mga nakatira sa malalayong barangay ang serbisyo ng gobyerno kaya ang karamihan sa mga miyembro ng NPA at mga taga suporta nito ay nagbalik loob na sa pamahalaan.
Nitong nakaraang linggo, siyam na mga opisyal ng NPA na nagsasagawa ng operasyon sa Davao Oriental ang sumuko sa 701st Brigade kung saan kasama nilang ibingay ang mga matataas na kalibre ng armas na gamit nito sa pakikidigma.
Patuloy naman ang panawagan ng opisyal sa iba pang kasapi ng mga armado sa kabundukan na magbalik loob na rin sa gobyerno at handa nila itong tulungan na makabalik sa normal nitong pamumuhay. (Armando Fenequito)
Larawan mula sa EastMinCom