Batay sa pahayag ni Parlade, dinidiktahan umano ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte na ayon kay Lorenzana wala umano itong basehan.
Sinabi ni Parlade na kumandidato pagka-presidente at dating tagapagsalita ng National Task Force-Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na Army, AFP at DND ang dapat tanungin kung totoo ang kanyang paratang.
Ayon kay Lorenzana, ang mga desisyon ng Pangulo ay tanging kanya, at hindi siya madaling maiimpluwensiyahan tulad ng sinasabi ni Parlade.
Dagdag ng kalihim, bilang dating Special Assistant to the President, nakatulong si Bong Go sa Department of National Defense (DND) upang dumoble ang sahod ng mga sundalo at sa modernization program ng AFP.
Inamin ng kalihim na si Go ang nagsilbi sa kanila bilang tulay sa Pangulo at ni minsan ay hindi umano ito kumilos ng labag sa kagustuhan ng Pangulo.
Itinanggi ng kalihim na may namumuong “discontentment” sa hanay ng militar.
Bilang isang propesyonal na organisasyon, ayon kay Lorenzana, patuloy na maglilingkod ang AFP sa sambayanan anuman ang sitwasyon ng politika sa bansa.