Police Colonel, nalunod sa Surigao del Sur
Police Colonel, nalunod sa Surigao del Sur
Patay ang isang senior police officer ng Surigao del Sur matapos itong malunod sa dagat sa Purok Mutya, Barangay Arorogan, Marihatag, Surigao del Sur kahapon ng umaga (Disyembre 4).

Kinilala ang biktima na si Police Colonel Francisco D Dungo, 54 taong gulang na nakatira Libertad, Butuan City. 

Si Dungo ay nakatalaga sa PNP National Headquarters.

Batay sa ulat ng PNP, nalunod ang biktima habang naliligo kasama ang pamilya nito at mga kasamahan sa simbahan sa isang beach resort na pagmamay-ari nito sa nasabing lugar kahapon ng umaga.

Lumabas sa imbestigasyon na tinangay ng malakas na agos at malaking alon si Dungo na sanhi ng kanyang pagkalunod.

Agad namang nakita ang katawan ni Dungo ng mga local surfers sa lugar subalit ideneklarang patay ni Dr. Ivy Romanillos ng Marihatag District Hospital sanhi ng asphyxia secondary to drowning.

Nagpaabot naman ng kanyang pakikiramay si PNP chief General Dionardo Carlos sa pamilya ni Dungo.

“The PNP is saddened by the untimely demise of Police Colonel Dungo, a hardworking officer who has dedicated himself to a full-time career in the police service.”

“We join his family in prayer and mourning over his passing,” saad ni Carlos.

What's your reaction?

Facebook Conversations