Suspek sa pamamaril sa Ateneo, nasa kostudiya na ng BJMP
Suspek sa pamamaril sa Ateneo, nasa kostudiya na ng BJMP
Nasa kustodiya na ngayon ng Bureu of Jail Management and Penology (BJMP) ang suspek sa pamamaril sa Ateneo nuong isang linggo na si Dr. Chiao Tiao Yumol.

Ito ang kinumpirma ni Quezon City Police District Director, Brigadier General Remus Medina matapos lumabas ang commitment order ni Yumol.

Bago inihatid  sa pasilidad ng BJMP  sa Payatas, Quezon City, sumailalim muna ito sa medical examination, kasama ang mga tauhan ng QCPD Swat Team at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).

Ayon kay Medina nakatakda nang iharap sa korte para basahan ng sakdal ang suspek na si Yumol ngayong linggong ito

Samantala, idinala na sa Basilan ang labi ni dating Mayor Rose Furigay matapos lumapag ang eroplano na sinasakyan nito sa Zamboanga International Airport Linggo ng umaga (Hulyo 31).

Mula sa airport ay dinala muna ang kabaong nito sa Headquarters ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM) at saka isinakay sa barko patungong Lamitan, Basilan.

What's your reaction?

Facebook Conversations