Operasyon ng The Royal Mandaya Hotel, balik na sa normal
Operasyon ng The Royal Mandaya Hotel, balik na sa normal
Masayang ibinahagi ng pamunuan ng The Royal Mandaya Hotel (TRMH) na dahan-dahan nang nakabalik sa normal na operasyon matapos itong muling magbukas noong nakaraang buwan.

Ayon sa General Manager ng TRMH Shierly Maranga sa isinagawang AFP-PNP Press Corps briefing Miyerkules ng umaga (Marso 30) na ginanap sa nabanggit na hotel na sa nakalipas na tatlong linggo nasa high occupancy o full occupancy ang hotel dahil sa mga pagtitipon na naganap mula sa ibat-ibang mga Local Government Units (LGUs) at corporate accounts.

“Tapos etong linggong eto high occupancy po tayo ulit at ng mga susunod na   Linggo, so maganda yon  for us syempre  pampabawi  after  two  years of not being in the business,” saad ni Maranga.

Dagdag nito  na maraming  bumisita sa lungsod ng Davao at kanilang inaasahan na susunod na buwan dadagsa ang mga bookings.

Ayon kay Maranga “the business is good and I think hopefully this is true sa buong Davao, di lamang  po sa The Royal Mandaya Hotel.”

Inamin  nito na napakagandang balita ito na muling sumigla ang negosyo ng lungsod, “kaya minsan po may mga pa request na kwarto  pasensya na kung  nagkakulangan. It’s good economy for Davao.”

Binanggit din  ng opisyal na istriktong tumalima ang pamunuan ng hotel sa mga palisiya na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) ukol sa mga health protocols.

“We strictly follow all those. Una sa lahat ang ating mga empleyado fully vaccinated , at boosted.  Mapapansin niyo po sa ating lobby ,ang ating screening nang temperature, meron po tayong sanitizer all over the place. Sa ating Kamayo Cafe, meron  po tayong mga staff  na humihiling  na kung kayo po ay nakatayo pakisuot pa rin po ang inyong mga mask, pero kung kayo po ay kumakain at umiinom, tanggalin. Sinusunod po lahat yan at maging sa mga kwarto the sanitation are always practice,” dagdag na pahayag  ni Maranga.

“Kasi from time to time may mga bumibisitang inspection, which is good, di ba? We’re always keeping true to the LGU rules, protocols para  masaya para sa lahat at saka safe para sa lahat,” ayon pa sa opisyal.

Saad ng opisyal, The Royal Mandaya Hotel is absolutely back in the business.

Ang nasabing hotel ay may 183-rooms na muling nagbukas noong buwan ng Pebrero, dalawang taon matapos itong isinara dahil sa COVID-19 pandemic.

Kung  matatandaan ang TRMH ang siyang naging national campaign headquarters ng tumakbo pagka-presidente si Pangulong Rodrigo Duterte taong 2016.

What's your reaction?

Facebook Conversations