Hot pursuit laban sa suspek sa bus bombing sa Maguindanao, inilunsad
Hot pursuit laban sa suspek sa bus bombing sa Maguindanao, inilunsad
Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Dionardo Carlos ang pagsasagawa ng “hot pursuit Operations laban sa suspek sa pambobomba ng bus sa Parang, Maguindanao noong Linggo (Abril 24).

Partikular na inatasan ni Carlos ang Police Regional Office - Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Brigadier General Arthur R Cabalona, na ayon kay Carlos gamitin ang lahat ng “available resouces” sa pagsasagawa ng “hot pursuit Operations.

Batay sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente nitong linggo ng umaga nang sumabog ang isang Improvised explosive Device (IED) na itinanim sa likurang bahagi ng isang Rural Tour bus na patungo ng Dipolog City mula sa General Santos, habang binabagtas nito ang National highway sa Brgy Making, Parang, Maguindanao.

Walang nasawi sa insidente, subalit may apat sa 23 pasahero ng bus ang sugatan.

Kaagad namang narekober  at na-disrupt  ng mga rumespondeng Explosive and Ordinance Disposal (EOD) team ng PNP ang pangalawang IED sa loob ng bus. 

Sinabi ni Carlos, patuloy na ni-review ng mga imbestigador ang CCTV footage ng bus para matukoy ang possibleng person of interest sa pambobomba. 

Nananawagan si Carlos  sa publiko na ipagbigay alam sa pulisya ang anumang impormasyon ukol sa suspek  para makakatulong sa mga awtoridad para sa agarang pagtukoy at pag-aresto nito. 

Larawan mula sa PRO-BAR

What's your reaction?

Facebook Conversations