Bilang na ang araw ng mga “KOTONG COPS” matapos mahuli ang 3 pulis-Maynila
Bilang na ang araw ng mga “KOTONG COPS” matapos mahuli ang 3 pulis-Maynila
Muling binuhay ng hepe ng Philippine National Police (PNP) General Rodolfo Azurin ang babala sa mga “kotong cops” na bilang na ang kanilang araw sa serbisyo dahil sa pinalakas na Internal Cleansing Campaign sa ilalim ng kanyang pamunuan.

Kamakailan inaresto ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang tatlong pulis ng Manila Police District (MPD) dahil sa robbery-extrotion. 

Batay sa naging ulat ni IMEG Director Police Brigadier Gen. Warren F. de Leon, ang tatlong pulis ay inireklamo ng isang tricycle owner na nanghihingi umano ng P2,000 kapalit ng pag-release ng kanyang tricycle na na-impound dahil sa traffic violation. 

Nahuli sa akto ng pagtanggap ng suhol ang 3 pulis sa loob mismo ng kanilang istasyon sa Paco Police Community Precinct, Police Station 5, Ermita, Manila sa ikinasang entrapment operation.

Kinilala ang mga pulis na naaresto na sina Staff Sergeant Erwin Licuasen, 34; Corporal Chimber Importa, 33; at Patrolman Leopoldo Tuason, 39. 

Nanawagan si De Leon sa publiko na  isumbong sa IMEG ang mga tiwaling gawain ng mga pulis upang agad nila itong maaksyunan.

Larawan mula sa PNP-IMEG

What's your reaction?

Facebook Conversations