Amerika, Japan, at China, nagpaabot ng pakikisimpatiya matapos tumama ang Magnitude 7 na lindol sa Abra
Amerika, Japan, at China, nagpaabot ng pakikisimpatiya matapos tumama ang Magnitude 7 na lindol sa Abra
Nagpaabot ng kanilang simpatiya para sa bansang Pilipinas ang iba't ibang bansa sa mundo para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa kalakhang Luzon Miyerkules ng umaga (Hulyo 27).

Kabilang sa mga nagpaabot ng kanilang pakikiisa sa panalangin ay sina United States of America Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson.

Maliban sa Amerika, nagpaabot din ng kanilang simpatiya sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at si Japan Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa.

Tiniyak tatlong opisyal ang tulong at pag-suporta sa mga naapektuhan ng lindol partikular na sa Cordillera Administrative Region (CAR) gayundin sa Ilocos Region.

Samantala, naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na hindi na muna kailangang magdeklara ng national state of calamity matapos ang malakas na pagtama ng lindol sa Northern Luzon.

“I don’t think it’s necessary right now to declare a national emergency. However, depending on the information that comes back, I’m sure marami pa tayong mababalitaan, marami pang impormasyon na hindi pa nakarating sa atin,” ayon pa sa pangulo sa ginanap na the press briefing.

Nauna nang iniulat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na apat ang namatay at 60 ang nasugatan as of 2 p.m, ngayong Miyerkules.

Wala pang naibigay na halaga ng napinsalang istraktura at agrikultura.

Ibat-ibang Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils (RDRRMCs) kaagad na nagtitipon-tipon upang ipaalam ang naging impact sa Magnitude 7.3 na lindol na tumama sa Abra, Miyerkules ng umaga. Larawan mula sa NDRRMC

What's your reaction?

Facebook Conversations