3
views
views
Inalala ni Vice President Sara Duterte ang mga nasawi sa pambobomba sa Roxas Night Market sa Davao City noong 2016 sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang memorial at pag-aalay ng panalangin ngayong Undas.
Sa kanyang mensahe sa Facebook ngayong Oktubre 30, hiniling ni Duterte ang kapayapaang walang hanggan para sa mga biktima at ang kanilang walang hanggang kapahingahan sa piling ng Diyos.
Hiniling din ng bise presidente ang gabay ng Panginoon para sa mga Pilipinong patuloy na dumaranas ng kahirapan at iba’t ibang pagsubok sa buhay.
Umaasa siyang pagkakalooban ang mga ito ng lakas at pag-asa upang harapin ang kanilang mga pinagdaraanan.
Kasabay nito, hinikayat din ni Duterte ang pag-alala at pagdarasal para sa mga yumaong mahal sa buhay sa paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day.
📸 Inday Sara Duterte FB
Facebook Conversations