LTO 11, magbubukas ng 6 pang extention offices sa buong Davao Region
LTO 11, magbubukas ng 6 pang extention offices sa buong Davao Region
Anim pang extention office ng Land Transportation Office (LTO) 11 ang bubuksan ng ahensiya para sa taong kasalukuyan.

Ayon kay Yuri Lim, hepe ng Law Enforcement Division ng LTO 11 sa ginanap na Davao Peace and Security Press Corps briefing sa The Royal Mandaya Hotel kamakailan, magkakaroon sila ng opisina sa Bansalan sa Davao del Sur; Laak sa Davao de Oro; at dalawang opisina sa Lupon at Bagangga sa Davao Oriental.

“Inaayos na iyong  facilities, yong  building. Hopefully  by mid this year or third quarter  of this year, fully operational na ito, itong apat na ofices,” ayon kay Lim.

Maliban sa apat, maglalagay din ng extention office ang LTO sa Pantukan sa Davao de Oro at isa sa Sasa sa Davao City.

Dagdag ni Lim, sa nakaraang linggo, na-inspect na ng   technical  working group mula sa kanilang central office ang opisina sa Pantukan at Sasa extention  office. 

“Malaking bagay  itong extention offices to maximize the services  of the agency sa mga kababayan natin na malayo na sa sentro,” pahayag ni Lim.

Ang LTO 11 sa kasalukuyan at mayroong extention  office sa Calinan sa Davao City na ‘fully operational’ na simula pa noong  September  sa nakaraang taon.

“Kung ano ang serbisyo ng District  LTO, the same services po ang i-ooffer  ng extention office like application of student permit, drivers education center, registration  of vehicles,  application of new drivers license, and eventually law enforcement will come in,” dagdag ni Lim.

What's your reaction?

Facebook Conversations