views
Ito ang inihayag ni Comelec 11 assistant regional director Atty. Gay Enumerables sa isinagawang AFP-PNP Press Corps Southern Mindanao Media Beifing nitong Miyerkules.
Ayon kay Enumerables na nakarating na sa mga probinsya, lungsod at bayan mga Vote Counting Machines at mga balota na gagamitin sa eleksyon.
Sinabi ng opisyal na isasagawa na rin bukas ang final testing and sealing sa mga VCM na gagamitin sa mga polling precincts para malaman kung may sira man ito o wala.
Umaasa si Enumerables na kung may makita mang depekto sa mga VCM ay maliit lang ito na kayang ayusin agad dito sa rehiyon at di na kinakailangan pang ipadala sa kanilang central office.
Dagdag ng opisyal na handa na rin ang lahat ng mga guro na magsisilbing electoral board sa darating na Hatol ng Bayan.
Facebook Conversations