Magulang ng 2 menor de edad na sumukong NPA, magsasampa ng kaso laban sa armadong grupo: EastMinCom
Magulang ng 2 menor de edad na sumukong NPA, magsasampa ng kaso laban sa armadong grupo: EastMinCom
DAVAO CITY – Magsasampa ng kaso ang mga magulang ng dalawang menor de edad na mga sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA) laban sa mga nasa likod ng armadong grupo na humikayat sa kanila na umanib sa kanilang samahan.

Ito ang inilahad ni Eastern Mindanao Command (EastMinCom) commander Lt. Gen. Greg T. Almerol sa inilabas nitong pahayag. 

Ayon kay Almerol na lumapit sa kanila ang magulang ng dalawang menor de edad na NPA na kinilalang sina alias Je-ann, 16 anyos at alias Joy 17 anyos upang tulungan ang mga ito na magsampa ng kaso laban sa nasabing armadong grupo dahil sa paglabag sa Republic Act 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity. 

Ito'y kaugnay sa pag-recruit ng mga anak nito sa sumama sa mga NPA para kalabanin ang pamahalaan. 

Sinabi ni Almerol na tutulungan nila ang mga magulang upang makamit ang hustisya laban sa mga opisyal  ng NPA na nanamantala sa kahinaan ng nasabing kabataan. 

Sa report ng EastMinCom, sumuko si Joy sa bayan ng San Miguel, Surigao del Sur noong nakaraang Disyembre 3 dala ang kanyang AK 47. Kinabukasan ay sumuko din si Je-ann sa nasabing bitbit din ang kanyang AK47. 

Inilahad ng mga sumukong NPA sa 75th Infantry Battalion na naisipan nilang magbalik loob sa gobyerno dahil sa hirap na dinaranas nito sa bundok kaya nais na rin nitong makapagbagong buhay. (Armando Fenequito) 

Photo: EastMinCom 

What's your reaction?

Facebook Conversations