DTI 11, ARAW-ARAW ANG MONITORING SA PRESYO, SUPPLY NG BILIHIN; PRESYO NG ILANG PRODUKTO BAHAGYANG TUMAAS

Ginawa nang araw - araw ng Department of Trade and Industry (DTI) 11 ang monitoring ng presyo at supply ng mga basic commodities sa Davao Region.

Ayon ito kay Romeo Vasquez Jr., Division Chief, Consumer Protection Division ng DTI Regional Office 11 nang mag-guest sa Kapehan sa Dabaw ss SM City Davao ngayong Lunes, Abril 6,2026.

Sinabi ni Vasquez, na Batay sa kanilang monitoring, may mga produkto na din na nagtaas ang presyo nito, pero pasok pa din daw ang pagtaas sa threshold ng Suggested Retail Price (SRA).

Ang umento umano ang epekto ng pagtaas na din ng logistics at delivery costs dahil sa serye ng oil price hike.

Dagdag nito na aasahan na din umano ang pagsirit pa ng presyo ng mga bilihin ngayong Abril 16 dahil ito din yong petsa na ipinangako ng mga manufacturers na walang pagtaas sa presyo simula noong umiiral ang tensyon sa Gitnang Silangan.

Ganunpaman, maglalabas umano ng bagong SRP ang DTI pagkatapos ng Abril 16, 2026.

Partikular na magtaas ang presyo ng mga processed meat at mga can goods, 

Romeo Vasquez Jr., Division Chief, Consumer Protection Division ng DTI Regional Office 11