Ayon kay Acorda, mismong siya ay nagkaroon ng karanasan noong siya ay Deputy Regional Director for Administration at miyembro ng Regional Appellate Board. Sinabi nito na may mga pagkakataon na nawawala ang mga rekord ng kaso ng mga pulis.
Subalit giit ng opisyal, hindi pwedeng basta nawawala ang mga naturang dokumento, at kailangang mapanagot ang sinumang may hawak ng mga rekord kung meron mang nawawala.
Utos ni Acorda sa mga Regional Directors, gumawa ng systema gaya ng ipinatupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Sinabi ni Lacierda, may karampatang parusa kung sakaling mapatunayan na may negligence sa panig ng mga nag-iingat ng dokumento.