Ayon kay OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepumuceno patuloy na minomonitor ng kanyang opisina ang mga kaganapan at naghahanda na rin sila para sa posibleng suporta na maaring maipagkaloob sa Japan.
Ipinaabot ng opisyal ang kanyang pakiki-simpatya sa mga mamayan at pamahalaan ng Japan, kasabay ang pagsasabi ng kahandaan ng OCD na tumulong sa Disaster response Operations.
Ayon kay Nepumuceno, ang nangyaring malakas na lindol sa Japan ay nagsisilbing paalala na kailangang palakasin ang paghahanda ng Pilipinas sa kahalintulad na pangyayari at iba pang natural na kalamidad sa pamamagitan ng whole-of-government at whole-of-nation approach.