Mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, bibigyang trabaho ng DPWH

Nakatakdang ilunsad sa Disyembre 7 ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang isang bagong programa na magbibigay tulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang bagong programa ng DPWH ay tinawag na Assistance to Youth and Unemployed for Development and Advancement (AYUDA) Program .

Ayon kay DPWH Acting Secretary Roger  Mercado layon ng inisyatibang ito  na tugunan ang nakakaalarmang unemployment rate sa bansa.

Anya, kahit niluwagan na ng pamahalaan  ang restrictions sa pagbubukas ng operasyon ng negosyo,  marami pa rin aniyang kakaharapin na  pagsubok ang mga manggagawa.

 Ipapatupad ang AYUDA Program sa lahat ng 16 Regional Offices at 189 District Engineering Offices  ng ahensya sa buong bansa.

“Through this program, we hope to support Filipino families by employing at least one member per household as well as empower the youth by making them productive members of the society,” saad nin Mercado.

Sinabi ng opisyal na kabilang sa mga trabahong nakalaan para  sa mga benepisyaryo ay ang pagwawalis sa kalye, paglilinis ng  street signs, pàghahakot ng waste materials, at pagpintura sa mga  concrete barriers.

Larawan: DPWH FB Page