Sa ginanap na AFP-PNP Press Corps briefing noong Miyerkules (Nobyembre 2) sa The Royal Mandaya Hotel, sinabi ni Mempin na mananatiling vigilante ang militar nang sa ganon ay maiwasan ang muling pagkabuhay ng mga makakaliwang grupo.
“We remain watchful to protect the gains we have attained in the region. Sustainment is a challenge for all of us in the government to prevent the recovery and resurgence of insurgents. We are continuing our security and visibility patrols, as well as, our assistance and facilitation of the livelihood programs coming from various government agencies," banggit ng opisyal.
Siniguro nito na magpapatuloy ang kanilang security at visibility patrols, ganundin ang kanilang assistance at facilitation ng livelihood programs sa mga rebeldeng nagbalik loob na sa pamahalaan.
Ani Mempin layunin nilang ma-sustain ang tagumpay na nakamit sa Rehiyon onse at maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ibat ibang sangay ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan.
“Ngayon na cleared na, dismantled na ang mga armed groups here in Region 11, ang AFP po ay andiyan pa rin. Para ma sustain natin ito kailangan mag tuloy-tuloy ang proyekto na nasimulan na natin kasama ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan. If we analyze the insurgency problem, it somehow boils down to good governance. Kasi lahat ng mga nire-raise na issues ng mga vulnerable sectors dun sa GIDAs ay ang LGU at mga LGAs makapagbibigay ng kaukulang lunas o tugon," ayon kay Mempin.
Tiniyak din ng opisyal na kanilang pakikinggan ang mga hinaing ng publiko upang makapagbigay ng kaukulang tugon para di na mauwi pa sa madugong pakikibaka.
Matatandaang pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ceremonial declaration ng Davao Region bilang insurgency free nito lamang October 27, 2022.
Larawan mula sa 10th ID