Bank account ng Gabriela Inc., na pinaiimbestigahan ng NTF-ELCAC, ibinasura ng Comelec

Ibinasura ng Commission on Election (Comelec) ang petisyon ng National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) na bubusiin ang bank account ng Gabriela Incorporated.

Batay sa desisyon ng First Division, sinabi nitong magkaiba ang Gabriela Inc, sa Gabriela Women's Party List na iniuugnay naman bilang wing organization ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army (NPA).

Ipinaliwanag ng First Division,  isang Non-Government Organization (NGO) ang GABRIELA Inc., habang  ang Gabriela Womens ay isang Political Party List. 

Sa petisyon ng NTF-ELCAC, nais nito na ideklarang disqualified ang nasabing samahan dahil sa paghingi ng mga foreign donations at isa sa mga nais magpabagsak sa gobyerno. 

Matatandaan, ito na ang ikatlong pagkakataon na tinanggihan ng Comelec ang petisyon ng NTF-ELCAC laban sa Gabriela Inc., dahil hindi naman daw ito kasama sa mga grupo na pinapa-diskwalipika o mga Party List na sinasabing may koneksyon sa CPP-NPA.