Kinilala ng hepe ng Eden Police Station Police Major Jonnel Bonguyan ang suspek na si alyas "Dong" 18, residente ng NHA Village Buhangin, Davao City.
Sinasabing top 1 priority target sa regional level ang suspek.
Ayon kay Bonguyan, naaresto ang suspek ng pinagsamang tauhan ng Eden Police Station kasama ang City Intelligence Unit.
Nakuha mula sa suspek ang mga pakete ng hinihinalang marijuana na may bigat na humigit kumulang 11.37 kilogram na may street market value na P1,386,000 at marked money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng nasabing istasyon upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at upang dumaan sa tamang disposisyon.
Ang pagkakadakip sa suspek ay malaking tulong ng Police Regional Office 11 na gawing drug-free ang rehiyon onse.
Larawan mula sa PCADG Davao Region