Binigyan ni PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. ng Medalya ng Kadakilaan si PNP Headquarters Support Group (HSS) Director Police Colonel Mark Pespes.
Si Pespes ang bumaril at nag-nutralisa sa hostage taker ni Delima na si Feliciano Sulayao Jr, matapos na unang na-nutralisa ng mga pulis ang dalawang kasamahan nito na sina Idang Susukan at Arnel Cabintoy.
Nauna nang pinapurihan ng kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) Benjamin Abalos Jr. si Pespes matapos ang insidenten sa kanyang “decisive action” na barilin ang suspek nang makakita siya ng pagkakataon.
Kabilang din sa mga pulis na pinarangalan dahil sa kanilang papel sa matagumpay na pagresolba sa sitwasyon sa PNP Custidial Center kahapon sina Captain Michael Gobyay, Police Master Sergeant Denver Lou Ngo-oc, Police Corporal Marvint Banigon, pawang mga miyembro ng PNP Special Action Force.
Kasama din sina Patrolman Lorenze Ian Matias, Police Chief Master Sergeant Jimmy Ferrer, at Police Corporal Rizza Pagaduan na pawang mga tauhan ng HSS.