Drug test para sa mga artista, suportado ng PNP

Umani ng suporta mula kay PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. ang rekomendasyon ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Barbers na isasailalim muna sa drug test ang mga artista bago bigyan ng proyekto.

Ito ay kasunod ng pagkakahuli  ng artisang si Dominic Roco at apat na kasamahan sa buy-bust operation ng Quezon City police noong sabado ng madaling araw (Oktubre 1).

Ayon kay Azurin, kalimitang hinahangaan ng kabataan ang mga artista kaya dapat lamang ay drug free  ang mga ito upang magsibling role model ng susunod na henerasyon. 

Dagdag ng opisyal, dapat boluntaryong gagawin ito ng mga malalaking network sa bansa na ipa-drug test ang kanilang mga aktor bago bigyan ng trabaho. 

Umaasa si Azurin na gagawing mandatory ang drug testing sa lahat ng mga kawani ng mga tanggapan ng gubyerno at pribadong kumpanya.