Ito ang inihayag Azurin sa pulong balitaan sa Camp Crame Lunes ng umaga (Oktubre 3).
Ayon sa kanya, magiging holistic approach ang kampanya ng PNP laban sa droga kung saan bawat ahensya ng pamahalaan ang magiging bahagi upang tugunan ang problema sa iligal na droga.
Ayon kay Azurin kailangang mag-level up sa kampanya kontra droga ang pamahalaan dahil isa itong trans-national crime na walang kinikilalang National border.
Anya, ang problema sa droga ay patuloy na natatalakay sa buong mundo sa dinaluhan nitong Mutual Defense Board and Security Engagement Board meeting sa Camp H.M. Smith sa Hawaii.
Isa sa mga napag-usapan dito ay ang pinaigting na information sharing at border security para mapigilan ang pagpasok ng kontrabando, kabilang ang iligal na droga.