Ito ang kinumpirma ni Quezon City Police District Director, Brigadier General Remus Medina matapos lumabas ang commitment order ni Yumol.
Bago inihatid sa pasilidad ng BJMP sa Payatas, Quezon City, sumailalim muna ito sa medical examination, kasama ang mga tauhan ng QCPD Swat Team at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU).
Ayon kay Medina nakatakda nang iharap sa korte para basahan ng sakdal ang suspek na si Yumol ngayong linggong ito
Samantala, idinala na sa Basilan ang labi ni dating Mayor Rose Furigay matapos lumapag ang eroplano na sinasakyan nito sa Zamboanga International Airport Linggo ng umaga (Hulyo 31).
Mula sa airport ay dinala muna ang kabaong nito sa Headquarters ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM) at saka isinakay sa barko patungong Lamitan, Basilan.