NTF-ELCAC, suportado ng incoming National Security Adviser Clarita Carlos

Susuportahan ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos ang pagpapatuloy ng National Task Force-Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Carlos sa panayam ng Radyo Pilipinas sa kanya, nagagawa naman ng Task Force  ang trabaho nito upang tugunan ang problema ng insurhensya.

Naniniwala si Carlos na mahalaga na tukuyin ang ugat o dahilan ng problema sa insurhensiya gaya na lang ng kawalan ng hanapbuhay, oportunidad, at access sa edukasyon.

Sinabi din nito na dapat na ding tapusin ang pakikipag-negosasyon sa mga taong nasa ibang bansa at wala naman dito sa Pilipinas at sa halip ay alamin kung ano ang saloobin ng mga tao na lumalaban sa gobyerno.

 “Yes! Kasi those are the ones that work e. Hindi ba kadugtong yan ng local peace council. Ang ginagawa talaga nila inuugat nila kung saan ba nanggagaling yang insurgency. Kung saan sya nanggagaling yun ang ugatin mo. Ang tao hindi makapag-aral, tapos wala siyang pangkabuhayan, tapos wala siyang oportunidad na talagang mag-dream, yun talaga ang tututukan mo. Tapusin na natin yung mga negosasyon sa mga taong nasa ibang bansa, alam mo na y un kung sino,” ayon kay Carlos.

“ At dito natin tutukan talaga at talagang alamin ano ba talaga ang nasa damdamin nitong mga tao na ‘to na lumalaban sa gobyerno dahil sa itong pagkukulang nila sa mga ganitong mga bagay. So talagang kailangan i-continue yan because they work,” dagdag ni Carlos.

Samantala, inamin ng susunod na adviser ng Aminado naman si Carlos na may ilang napataas ang kilay sa pagkakatalaga niya bilang NSA.

Sagot nito dapat maipaintindi sa publiko na ang National Security ay hindi lamang tungkol panlabas na banta sa ating seguridad kundi kasama rin ang food, energy , at human security.

“Kasi akala natin yung security tungkol lamang sa you know sa ibang bansa, sa mga pinag-aagawang dagat etc. no, ang security talaga ay malapit na malapit sa atin. Food security, energy security, security o the air that you breathe, ano, yan talaga ang human security is really national security,” Tugon  ni Carlos.

Dagdag pa ng NSA designate, “These are all human security issue so siguro being civilian, katulad nung nasa national defense college ako civilian din ako, binreak ko yung military tradition, ay mas malawak talaga ang pagtingin mo sa national security kasi human security talaga yun e.”

Larawan mula sa BBM Media Bureau