Ang debate ay isang serye sa telebisyon na inorganisa ng Comelec sa tulong ng non-partisan voter education organization na vote Pilipinas bilang paghahanda sa 2022 Local and National Elections.
Kasama sa mga lumagda sa Memorandum of Agreement si Comelec OIC-Chairman Socorro Inting, Comelec Director James Jimenez, Celeste Rondario, Founder at chief executive officer (CEO) ng Impact-Hub Manila at Lorenz Libocon, Technology Lead ng Vote-Pilipinas.
Hinimok naman ni Inting ang mga kandidato na lumahok sa Pilipinas Debate 2022.
Samantala ayon kay Comelec Director James Jimenez na ang kandidato na hindi lalahok sa debate ay hindi makakagamit ng e-rally platform ng Comelec.
Ngayong darating na March 19 ang unang debate sa pagka-pangulo na susundan ng Vice-Presidential Debate sa Marso 20.
Habang itinakda sa Abril 3 ang 2nd round ng Presidential Debate.
Nakasentro umano ang debate sa mga suliranin ng bansa gaya ng pandemya at ekonomiya.
Tatakbo ng tatlong oras ang debate na may single-moderator format, walang live-audience, at palabunutan ang mga tanong.