views
Sa isang liham na ipinadala kay Evangelista, kinumpirma mismo ng Department of Interior and Local Government (DILG) na aprubado ang nasabing proyekto na pinonduhan mula sa Financial Assistance to Local Government Unit (FALGU) 2021.
Paghahatian ng limang barangay ang P20 milyon para sa nasabing solar-powered street light project. Ilan sa mga Barangay na makakatanggap nito ay ang Magwawa, New Katipunan, Salvacion, at San Miguel.
Inihayag ni Evangelista na nag-issue na ng Notice of Cash Allocation (NCA) ang Department of Budget and Management (DBM) para sa Barangay New Katipunan at Special Allotment Release Order (SARO) para sa Barangay Magwawa, Salvacion at San Miguel.
Na i-download na rin ang P5 milyong pondo sa account mismo ng limang barangay para maipatupad ang solar-powered street light project.
Hinihikayat rin ng alkalde ang limang barangay local government unit (LGU) na simulan na ang pagpaplano para naturang proyekto bagama’t hindi pa tapos ang pandemya ng COVID-19, upang makabenepisyo rin ang mga Tomasino sa proyekto ng lokal na pamahalaan.
Binigyang-diin ni Evangelista ang kahalagahan ng komunikasyon upang maipaalam sa kanya o sa Santo Tomas LGU ang mga proyektong dapat matugunan ng kanyang administrasyon gaya ng pailaw sa ilalim ng kanyang Hayag Tomasino program.
Suportado naman ni ABC President at Punong Barangay Ricky Inodioan at Councilor Julie H. Mantequilla ang nasabing proyekto. Ang dalawang opisyales ay chairperson at miyembro ng Committee on Energy and Electrification sa Sangguniang Bayan. (Armando Fenequito)
Larawan mula sa Santo Tomas MIO
Facebook Conversations