Sa pahayag ng PNP, nakikipagtulungan ang kanilang hanay sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at iba pang kinauukulang ahensya upang alamin ang buong pangyayari, tukuyin ang mga posibleng sangkot, at matukoy ang lawak ng umano’y partisipasyon ng pulis.
Binigyang-diin ng PNP na hindi nito kukunsintihin ang sinumang tauhang mapatunayang sangkot sa ilegal na droga. Ayon sa ahensya, nararapat lamang na panagutin ang sinumang lalabag sa batas, alinsunod sa umiiral na mga proseso.
Dagdag pa ng PNP, magsasagawa ito ng kaukulang kasong kriminal at administratibo kung mapatutunayan ng ebidensya ang pagkakasangkot ng nasabing pulis.
Gayunman, iginiit ng organisasyon na igagalang ang karapatan sa due process at ibabatay sa ebidensya ang mga konklusyon sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Muling pinagtibay ng PNP ang suporta nito sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga at ang pangakong papanagutin ang sinumang tauhang mapatutunayang lumabag sa batas.