Naniniwala si Senator Bong Go na dahil mahalagang bahagi ng sports development ang training at team-building activities, dapat lamang na may sapat na safety standards at emergency response mechanism ang mga student-athlete organizations.
Bukod sa resolusyon, naghain din ng panukalang batas si Go na layong protektahan ang kapakanan ng mga atletang mag-aaral. Isinulong din ng senador ang pakikiramay ng buong Senado, sa mga naulila ng dalawang atleta.
Nitong nakaraang weekend, personal na nakidalamhati si Senator Bong Go sa pamilya ni Rene Baterbonia. Ibinahagi rin ng senador sa magulang ng nasawing student-athlete, ang resolusyon at panukalang-batas na kanyang inihain.