Dating kalihim ng NEDA, “guilty" sa kasong may kaugnayan sa NBN-ZTE deal

Hinatulan ng 3rd division ng Korte Suprema ng guilty matapos mapatunayang sa grave-misconduct ang dating kalihim ng National Economic Development Authority (NEDA) Romulo Neri, kaugnay sa kaso ng NBN-ZTE deal noong administrasyon ni dating-Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Dahil sa guilty verdict, hindi na papayagang maka-upo sa anumang posisyon sa gobyerno si Neri habang-buhay.

Napatunayan ng mataas na hukuman na si Neri ay aktibong nag-broker o nag-ahente sa naturang deal o kasunduan.

Matatandaang nauna ng nahatulan ng guilty si Neri sa Ombudsman, sa kasong misconduct, at napatawan lamang ito anim-na buwang suspension.

Napatunayan din ng Court of Appeals na guilty si Neri ng kasong simple-misconduct, at pinag-multa lamang ito ng katumbas na anim-na-buwang sueldo.

Ngunit ng isinampa sa Korte Suprema ang kaso ay binaligtad nito ang desisyon, at pinatawan ang dating opisyal ng perpetual disqualification sa serbisyo at pagbawi sa kanyang retirement benefits.