Batay sa ulat mula sa ibat-ibang Local Government Unit, apat ang nasawi sa Mati City, Davao Oriental, tatlo sa Monkayo, Davao De Oro at isa sa Barangay Napnapan, Pantukan, Davao de Oro.
Ayon pa kay Mati City Mayor Joel Mayo Almario, apat na miyembro ng pamilyang Anting ang nasawi matapos natabunan ng gumuhong lupa sa Upper Salazar, Barangay Central, Mati City sa Davao Oriental.
Kabilang sa mga biktima ang mag-asawang Habib at Khairen Anting at dalawa nitong anak babae.
Habang tatlong indibidwal ang namatay sa landslide sa Purok 5, Barangay Rizal, alas 11:40 Huwebes ng gabi, Pebrero 19, 2026.
Unang narekober ang dalawang biktima Biyernes ng madaling araw Pebrero 20 at narekober ang sa pagka-umaga nitong araw.
Isang 25-anyos na minero din ang nasawi Biyernes ng umaga matapos nagkaroon ng landslide sa bolmilan na bahagi nang Napnapan, Pantukan, Davao de Oro.