MILF BRIGADE COMMANDER, ISANG KASAMA, PATAY SA AMBUSH SA MAGUINDANAO DEL SUR

Nasawi ang Brigade Commander ng 118th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos Paulanan ng bala ang sinakyan nitong mini van sa Barangay Kapinpilan Ampatuan Maguindanao del sur alas 7 pasado lunes ng gabi, January 12, 2026.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Hamsa M. Kindo alyas Kumander Tuabak, 46 years old, at residente ng Barangay Kapinpilan Ampatuan Maguindanao del Sur.

Patay din sa ambush ang isa pang kasamahan nito na miyembro din ng grupo na kinilalang si Mohammad Acob, 44 years old.

Sakay ng suzuki spacia mini van na may plate number na MBK 6116 ang mga biktima na papunta sana ng Sitio Bliss nang mangyari ang pananambang.

Narekober ng kapulisan mula sa crime scene ang dalawang matataas na baril, ammunition box, magazine at 90 piraso ng bala.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matunton ang mga suspek at motibo ng krimen.

📷Bandera News TV Cotabato