Davao City LGU wala pang restrictions at paghingi ng requirements papasok sa lungsod

DAVAO CITY - Wala pang ipinapatupad na travel restrictions ang pamalaang lokal papasok ng lungsod sa kabila ng pag-alerto ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa posibilidad ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 bunsod ng pagtala ng Omicron Variant.

Base sa post ng official Facebook page ng Davao City Tourism, wala pang pagbabawal og paghingi ng requirements sa mga papasok na mga tao sa lungsod mapa - air, sea and land travel man ito. 

Pero, pinaalalahanan nito ang mga turista papasok sa siyudad na siguruhin na mag-book ng hotels at tour operators sa mga lehitimong establisyemento na may valid business permits. 

Para naman sa dadaan ng Davao International Airport, mahigpit pa rin nitong sinusunod ang mga protocols ng IATF sa pagtanggap ng mga pasahero.