Ayon sa NGCP, natapos na ang restoration ng Placer-Madrid 69kilo volt line na nagseserbisyo sa franchise areas ng Surigao del Norte Electric Cooperative (SURNECO),Siargao Electric Cooperative
(SIARELCO), at Surigao del Sur Electric Cooperative( SURSECO 2).
Habang nagkaroon na rin ng partial restoration sa Bohol,Southern Leyte, at Negros Oriental sa Visayas.
Umaasa ang NGCP na ganap maibalik sa Disyembre 31, 2021 ang ilang transmission lines sa nasabing mga lalawigan.
Ayon sa NGCP may anim pang 138kv lines ang hindi pa available sa ngayon habang may dalawa pang 138kv lines ang handa na sa pag-supply ng kuryente.
Samantala, iniulat din ng National Electrification Administration (NEA) na mahigit P2 billion na ang halaga ng pinsala ng bagyong Odette sa mga electric cooperative sa bansa.
Batay sa tala ng NEA-Disaster Risk Reduction and Management Department hanggang December 28, sa 30 electric cooperative na nagsumite ng damaged report, ang Bohol 2 electric cooperative Incorporated (BOHECO 2)ang nagtala ng malaking pinsala.
Sa kanilang ulat, mahigit 2.31 milyong kabahayan na ang nabigyan ng elektrisidad o nasa 55.73% ng kabuuang household connection na apektado sa bagyo.