Kasama ito sa iniulat ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario kay Pangulong Duterte kamakailan.
Ayon kay del Rosario, maaaring makahiram ang bawat miyembro ng PAG-IBIG hanggang otsenta porsiyento ng kanilang kabuuang savings na kung saan, ang interes ay nasa 5.95 per annum lamang.
Anya, na sa mahihiram nang isang miyembro nito na P20,000, P600 lang ang babayaran kada buwan payable sa loob ng tatlong taon.
Magsisimula lang din aniya ang pagbabayad pagkalipas ng tatlong buwan matapos na maaprubahan ang loan application.
Ayon sa kalihim, maaaring gawin ang loan application sa pamamagitan on line.