NGCP, target tatapusin hanggang Disyembre 31, 2021 ang pagsasaayos ng transmission facilities sa Visayas at Mindanao

Nangako ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tatapusin hanggang katapusan nitong buwang kasalukuyan ang power restoration sa Visayas at Mindanao .

Batay sa ulat ng NGCP,  may pito pang natitirang transmission  facilities sa Visayas ang hindi pa available habang isa naman sa Mindanao.

Base sa  aerial at foot assessment hanggang kahapon ng NGCP ,

umabot na sa 95 transmission lines ang napinsala na nagdaang bagyong Odette, 12 towers, at 818 poste nito ang nasira.

Ayon sa NGCP, mayroong 1,100 personnel na binubuo ng 87 line gangs at support services ang patuloy   na nagsasagawa ng restoration works sa mga  natitirang transmission facilities na  sinira ng bagyo.