Ito ang inihayag ng hepe ng Philippine National Police (PNP) General Dionardo Carlos sa pagtatapos ng huling Misa de Gallo kanina (Disyembre 24).
Inilahad ng opisyal, walang naitala ang PNP na major untoward incidents sa mga nakalipas na simbang gabi ayon na rin sa ulat na kaniyang tinanggap mula sa iba’t ibang police regional offices at units sa buong bansa.
Mapayapa umanong natapos ang Simbang Gabi dahil sa tulong ng mga simbahan, lokal na pamahalaan, at civilian volunteers.
Mahigpit din na naipatupad ang health protocol at itinakdang kapasidad sa mga simbahan dahil na rin sa pagbabantay ng mga pulis.
Ayon kay Carlos, bagaman naging maayos ang simbang gabi, din naman maitatanggi na nahaharap ang bansa sa matinding epekto ng bagyong Odette na puminsala sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ganito ang scenario sa huling araw ng Simbang Gabi kanina sa Metropolitan Cathedral, San Pedro St., Davao Ciy. Larawan mula kay Aimee Guinita ng RMN Davao