Sa ilalim ng Resolution number 10746 para sa "liquor ban" na epektibo mula May 8 hanggang sa araw ng eleksyon sa May 9, 2022, exempted dito ang mga hotels, resorts, restaurants, at kahalintulad na “duly certified” ng Department of Tourism.
Maaari namang maghain ng aplikasyon para sa exemption sa National Capital Region (NCR) regional election director o provincial election supervisors at kapareho sa kani-kanilang lugar.
Samantala, magsisimula na rin ang “gun ban" o “firearms ban” sa panahon ng election period sa darating na Enero 9, 2022 batay sa Resolution number 10728
Tinukoy din sa Resolution number 10741 ang pagkakaroon ng mga Comelec checkpoints, upang maging epektibo ang pagpapatupad ng gun ban.
Bukod dito, naglabas rin ng Resolution ang Comelec ukol sa ban sa pagsasagawa ng "public works o infrastructure projects”.
Liban dito, ipagbabawal na rin ang paglalabas, disbursements o expenditures ng public funds sa panahon ng election period.
Sa Resolution no. 10743, nakasaad ang “deputization” ng mga tanggapan ng gobyerno, upang matiyak ang malaya, mapayapa, tapat at mapagkakatiwalang eleksyon.
Nakasaad din sa Resolution number 10742, ang pagbabawal sa appointment o hiring ng mga bagong empleyado; pagbuo ng mga bagong posisyon; kabilang na ang pagtaas sa sweldo; paglilipat ng civil service employees; at suspension ng elective local officials.
Makikita at mababasa ang kopya ng nasabing mga resolusyon sa official website ng COMELEC.